Linggo, Enero 18, 2015
UNANG LINNGO NG IKAAPAT NA MARKAHAN
Ngayong linggong ito,kakatapos lang nang aming pagsusulit.
Iwinasto namin ang mga papel na pinatinggan sa amin.Nakapasa ako sa ilang mga asignatura kasama na ang assignaturang Filipino,subalit sa ibang mahihirap ay hindi ko naabot ang pasadong iskor.Sa natitirang tatlong araw ay iyon lamang ang aming ginawa kasama na rito ang iba pang asignatura.Binigyan kami ng aming guro na si Gng. Mixto ng kaunting kaalaman tungkol sa "Noli Me Tangere".Sapagkat ito ang aming tatalakayin ngayong markahan.
Ang "Noli Me Tangere" o "Huwag Mo Akong Salingin" sa wikang Filipino ay sinulat ni Jose P. Rizal.Ito ay isang panlipunan na latlahalain kung saan sinulat ito sa panahong ng mga espanyol.Ang mga kilala kong mga tauhan rito ay sina Maria Clara,Crisostomo Ibarra,Sisa at mayroon pang mga ibang tauhan dito.Isa itong uri ng klasikal na babasahn sapagkat kapag ito'y hindi naluluma at kapag ito ay iyong nabasa ay maaaring maiugnay sa kasalukuyang panahon. Ngunit ito pa lamang ang aking kaalaman tungkol dito at alam kong mas madadagdagan pa sa susunod na linggo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento