Linggo, Enero 11, 2015

 

       Ngayong linggo ang huli para sa ikatlong markahan.Sapagkat sa susunod ay ay aming pagsusulit na para sa lahat ng aming natutunan.Ang mga tinalakay namin ngayong linggong ito at tungkol sa Sanaysay,Synopsis at Pangangatwiran.Ang sanaysay ay isang mula sa"salaysay ng isang sanay".Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla.Ang ibig sabihin ng sanay ay tao.Mayroon itong tatlong elemento.Ang paksa,tono at kaisipan.Ang paksa ay isang layon o ideya na nakapaloob sa saloobin ng may- akda.Ang tono naman ay nakakaapekto sa  sanaysay.Ang talumpati ay isang sanaysay ngunit kapag itoy binasa nang may himig at pagtaas ng boses ito ay matatawag na talumpati.At ang pinakahuli sa lahat ay ang kaisipan.Ito ay mensaheng ipinararating sa mga mambabasa upang lubos na maunawaan ito.Ito ay hind direktang ipinahahayag.
        Ang pagbuo ng sanaysay ay kinakailangan ng pamaksang pangungusap at pantulong na pangungusap.Ang pamaksang pangungusap ay ang pangunahing ideya samantalang ang pantulng na pangugusap naman ay mga detalye na sumusuporta sa paksa.

      At ang pinakahuli naming tinalakay ay ang synopsis at pangangatwiran.Ang synopsis ay maikling kabuuan ng mahalang bahagi ng isang akda.Nagbibigay ito ng impormasyon tulad ng banghay at sa kabuuan ng akda.Ang magandang synopsis ay may emosyon kung saan nakakaapekto ito sa tauhan upang hindi kabagot bagot.
    Ang pangangatwiran naman ayisang pagpapahayag upang magbigay ng sapat na katibayan at toy maging kapani-paniwala.Mayroon itong dalawang uri,pangatwirang pabuod at pasaklaw.Ang pabuod ay nagsisimula sa maliit na katotohan papunta sa panlahat,o kaya naman kabaligtaran nito.Samantalang ang pangatwirang pasaklaw naman ay humango sa isang pangyayari sa pamamagitan ng pagkakapit sa sinumang panlahat ang pangatwirang pasaklaw,

   Ito ang aming mga tinalakay ss linggong ito.At sa susunod na linggo ay haharapin na namin ang pagsusulit kaya naman lubusan na ang pagaaral ng maga aralin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento