Biyernes, Marso 20, 2015

ANG AKING KARANASAN SA BAITANG SIYAM

Napakahirap,nakakapagod,nakakatuwa,mahigpit  ekspektasyon at masaya.Mga pang-uring tumutukoy sa aking karanasan sa baitang siyam.

       Napakahirap sapagkat sa dami ng mga ipapasa,mga proyekto at pagsusulit na kailangan naming pagpuyatan sa paggawa,paglaan ng mahabang oras at pagbasa ng mga ipapasulit.Kaya  naman ang aking mga kaklase kapag may load,mag type ng group messege at sasabihing.

"here at home,gumagawa ng project,puyat na naman bukas.. text text sa may want.."

Ang dami na nga naming gagawin may oras pa silang ipahayag sa marami kung ano ang ginagawa namin sa mga oras na yun.

       Nakakapagod,sapagkat hindi naman kami robot na kapag nakatanggap ng mga gawain ay magagawa kaagad sa dami ng ipinapagawa sa amin.At yung iba,sabay-sabay pa ang pasahan.Minsan napapaisip ako kung nag-uusap ba ang aming mga guro sa petsa at oras ng pasahan ng mga gawain.Gayunpaman,sa abot ng aming makakaya ay naipapasa namin ito sa tamang oras at kapag mabait ang guro ay napapakiusapan namin dahil sabay na naman sa ibang asignatura ang pasahan.

     Nakakatuwa,nasabi ko ang pang-uring ito sapagkat walang oras na hindi mawawala ang tawanan sa loob ng aming klase gaano man kaseryoso ang sitwasyon.Kasama na rin ang aming mga guro kapag na sa ayos silang makisakay sa mga biro ng kanilang mga estudyante.

   Mahigpit,sapagkat kung pari-parehas talaga ang petsa ng pasahan ay  talagang  wala nang magbabago kahit anong pakiusap.At pati na rin sa mga panuto ng aming proyekto,gawain, o sa pagsusulit man.


   Malaki ang ekspektasyon sa amin sapagkat kami ang pangkat isa sa buong baitang siyam at kailangan maganda,maayos at malaman lahat ng iyong ipapasa o ginagawang presentasyon.Ang laging sinasabi ng guro sa amin ay pangkat isa kami kaya naman inaasahang maayos ang aming ipapasa.Katotohanan naman ang kanilang tinuran sapagkat hindi kami magiging pangkat isa para lang sa wala.

   At higit sa lahat,masaya sapagkat sa aking mga kaklase na laging nandyan para magdamayan sa lahat ng takdang arlin at mga gawain.Pati na rin ang mga guro namin na walang humpay ang pagbibigay kaalaman sa amin.Kahit gaano man kahirap ang aming pinagdaanan,lalo na sa mga gawaing pang-paaralan.Naging masaya naman kami at sama sama para sa susunod na taon.Natuwa kami sa bawat oras na magkakasama kami sa Shooting,duladulaan na kahit walang iskript ay tuloy pa rin,sa pag papangkatan na nasa manila paper na babasahin lang namin,at sa pagtawa ng mga korning biro ng mga kaklase at guro namin.

   
Narito kami at sama-sama bilang baitang siyam,pangkat isa.Na haharapin ang panibagong kabanata,nang pag-aaral namin sa loob ng Mambugan  National Highshool.Maghiwa-hiwwalay man kami,mabubuo pa rin ang dating pangkat,para ipakilala sa lahat na kami ang ...

    Pangkat 9-Antimony  ..........


      

       


           jacky's blog is now signing off....

Guro ko!


 
        Kay bilis talagang lumipas ng panahon.Parang kailan lang ng pumasok ako sa paaralan bilang isa sa baitang siyam ngayon,matatapos na ang aming taon at panibagong pakikipagsapalaran na naman ng aking bolpen at papel.Kung mayroon man akong hindi makakalimutan yun ang mga gurong nagturo sa akin at aking mga karanasan sa baitang siyam.
     
      Pagiging strikta ang ugali niya pagdating sa wikang Filipino,pati na rin sa mga pangungusap na aming binubuo.Kailangang maayos ang amin mga gawain dahil nasa pangkat isa kami.Natuto rin kami sa kanya na kailangang palaging presentabledahil hindi naman kami magiging pangkat isa para sa wala.Ngunit hindi lang pagiging strikta ang nangingibabaw sa kanya,masiyahin din at nakikisakay sa biruan ng aming klase.Minsan siya pa ang nangunguna at pagagaanin ang aming loob.Ipinagmamalaki ko na isa ako sa naging estudyante niya at mga naturuan niya.Nakiisa sa mga biruan,nakaligtas sa pagiging strikta,at higit sa lahat maraming natutunan mula sa kanya.Paborito niyang ipaproyekto ang paggawa ng trailer at pelikula.Naagiging artista kami ng dahil sa kanya at umunlad ang aming mga pag-arte.Lagi rin siyang nagbabahagi ng karanasan niya upang matuto kami.
     
     Ang guro ko,na strikta at mahilig magbiro.Hindi man ako naging isa sa dyaryong hinahawakan niya,ngunit nakita ko kung paano niya paunlarin ito kasama ang mga manunulat na nasa pangangalaga niya.At ayon na rin sa kanila talagang mahigpit siya magturo.Para po ito sa inyo,kung nababasa niyo,pinagmamalaki kong ikaw ang nagin guro ko!

K-13 madali o mahirap?



              K-12,pagdagdag ng dalawang taon sa hayskul at pagbabago sa paggrado ng estudyante.Mahirap nga ba talaga kumpara sa dati o madali lang?


            Batay sa aking mga karanasan at sa mga nakatapos na,nagbago talaga ang paggrado sa amin ng mga guro.Tulad ng KPUP.
    K-NOWLEDGE
    P-ROCESS
    U-NDERSTANDING
     P-RODUCT/PERFORMANCE
          Marami rin nadagdag na aktibidades o gawain sa modyul.Ang modyul ay ang teksto na ginagamit ng mga guro upang gabay sa pagtuturo nila sa amin.Ang nais ng gobyerno sa aming mga estudyante ay maging produktibo kami para sa susunod na henerasyon.Para sa akin,ang cirriculum na ito ay madali at nakakawili.Dahil sa mga gawain nakadiskubre kami at namamangha.Nawiwili rin kami sa mga pangkatan na inaaatas sa amin .At maliban dito,magagaling din ang mga guro na napupunta sa amin.Ang pagdagdag ng dalawang taon sa hayskul ay hindi naman masama.Madadagdagan ang pagsasama ng aming mga kaibigan at marami kaming matututunan.Malalaman din namin ang mga posibleng kursong aming papasukin.At dito namin masisiguro kung dito ba talaga kami magaling at sa daanang aming tatahakin.
       Sana sa pagdating ng aming panahon,at kami ay papasok na sa mundo ng paggawa,ay malampasan namin ang mga nauuna sa amin.Kaming mga kabataan ang babangon sa natapakang ekonomiya ng bansa.At para sa akin,ang K-12 cirriculum,ay ang susi sa kabataan at ikauunlad ng bayan

Linggo, Marso 15, 2015

PANGARAP -JACKY BALAORO (LITRATO)

TAKDANG ARALIN


LITRATO

                          

PANGKATANG GAWAIN


                         -JACKY



IKA-SIYAM NA LINGGO

      


          Ngayong linggo ang aming pag susulit para sa ikaapat na markahan.Ang pagsusulit na ito ay gaganapin ng dalawang araw para sa walong asignaturang aming mga pinag-aaralan.Kaya naman puspusang pagbabalik aral at pag kakabisado ang aming ginawa upang makapasa sa mga pagsusulit ng bawat asignatura.

         At sa pagbabalik ng aming klase,nagbalik aral kami tungkol kay Maria Clara at kay Sisa.Kung ano-ano ang mga katangiang taglay ni Maria clara bilang isang Pilipina at si Ssia bilang isang ulirang ina.Pagkatapos ng aming balik aral,inumpisahan na namin ang pangkatang gawain na aming takdang aralin.may mga katanungan na naiatas sa amin at kailang naming sagutin iyon sa malikhaing pamamaraan.nagawa namin ng maayos ngunit may kaunting sabit sapagkat mali ang katangiang naipakita ni Maria clara sas aming dula-dulaan.At siyempre may nangibabaw sa akin at iyon ang pangkat 4 na may pamagat na "Mag Maria clara kana man".Mga nakakatuwang sinaryo at makatotohanan nga naman sa pagkat kaylaki na ng ipinagbago ng mga kababaihan noon.At nagkaroon ng pangkatang takdang aralin.Ang aming takdang aralin ay bigyang kahulugan ang PAG -IBIG sa pamamagitan ng sumusunod
(1)poster(2)paglikha ng awit(3)at tula(4)at islogan.Nagawa naming lahat ang aming gawain maliba sa pangkat 2 nakumuha ng ibang  liriko at tono sa iba,nagkamali sila sapagkat hindi naman sila lumikha.Nagkaroon na naman kami ng takdang-aralin na pagdekonstruksyon ng kwento ni Maria clara,at dito sa kwentong ito si Maria clara ay matapang at hindi mahing babae kagaya ng nasa Noli me tangere.Kung kayo ang papapiliin ng mga katangian ni Maria clara anong katangian ang gusto ninyo?o kay naman,anong pangyayari ang gusto mong mangyari kay Maria clara bilang anak at kasintahan?Isulat sa comment box!!

     Iyan lamang ang nagyari sa aking buong linggo kasama ang aking guro na si Gng. Mixto. 


  salamat sa pagbabasa ^o^  

PANGWALONG LINGGO

     

       

      Ngayong linggong ito,tinalakay naming ang tungkol sa tatlong mahalagang tauhan sa Noli me tangere.Si Elias,Maria clara  at Sisa.

                              Babahagi ko sa inyo pananaw at mga nangyayari  tungkol sa kanila.Si Elias,isang matalik na kaibigan ni Ibarra,na ninuno ni Barramedia na siyang hinahanap niya sa pagpapahirap sa kanyang pamilya.Ngunit ng malaman niya ang katotohanan,pinili pa rin niya ang pag-kakaibigan nila ni Ibarra at pinatakas a kulungan dahil naniniwala siyang maliligtas nito ang kanilang bayan.

                 Si Maria Clara,ang mahinhin,masunurin at
mayuming si Maria clara.Siya ang kasintahan ni Ibarra,at may tapat na pag-ibig na laan lamang kay Ibarra.Ngunit sa kabila ng tapat na pag-uibig nya kay Ibarra pinili niya pa rin pakasalan si Linares,bakit kaya?.
            
           At ang huli ay si Sisa,ang ulirang ina na si Sisa,naging ulirang ina siya dahil sa labis na pagmamahal niya sa kanyang mga anak.Ngunit sa huli ng nobela,namatay siya dahil sa maling akala na patay na si Basillio,mapagmahala na ina ang aking masasabi sa kanya.

     Sa tauhang ito si Maria clara lamang ang nabuhay.Napano si Elias?namatay si Elias sa pagpapatakas niya kay Crisostomo nang hindi man lang nasilayan ang kalayaan ng bayang San Diego.

      Sa mga tauhang ito,alin sa tngin niyo ang nabigyan ng hustisya?sino ang malaking naiambag sa nobela?at at sino ang nagsakripisyo ng lubos?

 Ilagay ang sagot sa comment box ^.^

IKAPITONG LINGGO

  Ngayong linggong ito,magaganap ang pangangampanya para sa Supreme Student Government kaya naman ang iba ay hindi makakadalo sa aming klase.Ngunit heto ako at maglalahad ng aming tinalakay at mga ginawa sa buong linggo.
       Ang pinaka highlight ngayong linggo ay ang "MOCK TRIAL".Ang dalawang abogadong nagtatalo ay si Mae Clarice at si Bryan Bueno.At ang nasasakdal ay ang magkaibigang Crisostomo at Elias.Tinanong silang dalawa ng mga abogado ayon sa mga pangyayari sa Nobela gaya na lamang kung bakit ginawa ni Elias ang pagpapatakas niya kay Ibarra?Sa tingin niyo,ano ang motibo ni Elias upang gawin niya iyon?Ilagay ang sagot sa comment box.. ^_^
      Nang yari iyan ng huwebes,sapagkat noong nakaraang tatlong araw ay tinalakay ulit namin ang mahahalagang pangyayari kay Ibarra.
     At nang biyernes nagkaroon kami ng pagsusulit,ito ang mahalagang pangyayari tunkol kay Ibarra kaya namn hindi na masyadong mahirap na alalahanin ang mgapangyayari sa nobela kaya lamang mahirap alalahanin ang bawat kabanata o bilang nito.At kung sinuswerte nga naman nakakuha ako ng labing isang puntos hanggang labing liamng puntos ang pagsusulit.Naalala ko pa ang mga kabanata!!magbunyi!!..
  Iyan lamang ang Update ni Jacky sa kanyang Blogbook...

      MARAMING SALAMAT SA PAGBABASA
PANG-ANIM NA LINGGO

Ngayong linggo,natapos na namin ang talakayan sa mga pangyayari sa Noli me tangere.Kaya naman nagkaroon kami ng pangkatang gawain upang mas lalong mapalawak ang aming kaalaman.
                   Ang mga pangyayari sa pangunahing tauhan ang aming tinalakay.Ang tauhang si Crisostomo Ibarra,sa aming grupo na-iatas sa amin ang tungkol sa hagarin ni Ibarra at ang mga balakid dito.Ang napagkasunduang mga sa got sa aming grupo
 ay ang mga sumusunod:

     HANGARIN

(1)makapagpatayo ng paaralan(2)malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama(3)mailigtas ang bayan ng San Diego.

BALAKID
(1)tutol ang mga kura sa pagpapatayo ng paaralan(2)ang mga espanyol na sumusupil sa kanyan mga likha(3)at si Padre Damaso.

    Napagtagumpayan naman namin at nang ibang grupo ang aming mga gawain.Pagkatapos,nag-iwan siya ng aming takdang aralin at kinabukasan ay naging aming pankatang gawain.Ngunit ang iba ay hindi natapos sa kanilang presentasyon sapagkat naubos na ang oras at ang mga umalohokan ay makikinuod sa aming LED TV.Ang pinagtataka ko lamang kung bakit sila sa amin nanood at kkung pinayagan ba sila ng aming guro sa ingles na gamitin ang kanyang oras....hmmm...pero ayos na rin yun dahil wala kaming gagawin na hindi manunulat ng paaralan kundi manood o matulog.

   At may isang tanong ang nagpagising sa aking natutulog na dugo.Iyon ay"Biktima ba ng panahon si Ibarra?oo o hindi.
Kung susuriing mabuti tama ng na siya ay biktima lamng ng panahon sapagkat kung hindi siya anak ni Don Rafael ay hindi magagalit sa kanya si Padre Damaso na siyang nagpigil para makasal sila ni Maria Clara.Para sa iyo,Biktima ba ng pagkakataon si Ibarra?isulat ang iyon sa got sa comment box!!!

   Iyon lamang ang ginawa namin ga buong linggo maraming salamat sa pagbabasa... ^_^


PANGLIMANG LINGGO




                 Ngayong linggo tinalakay namin ang tungkol sa mga kabanata na may kinalaman ssa nobelang Noli me tangere
          
         Ang bawat pangkat ay nagpatuloy sa pag-uulat nong nakaraang linggo. Marami na akong nalaman tungkol sa mga tauhan at ang mga nangyayari sa nobela.Tulad na lamang nang pag-alam ni Ibarra sa katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kanyang ama,pagligtass ni Elias kay Ibarra ast ang paglalapastangan ni Padre Damaso sa pananggahalian.Ang pinaka paborito kong kabanata ay ang "Ang Pananghalian".Kung saan muntik nang mapatay ni Ibarra si Padre Damaso dahil sa paglalapastangan nito sa kanyan ama.Ngunit napigilan ito ni Maria Clara.Sa kabanatang ito,nangingibabaw ang daming emosyon.Galit,pagtitimpi,pagmamahal at inggit.Kaya heto ang kabanatang nagpabuhay sa aking dugo.

    Pagkatapos naming talakayon ang lahat ng kabanata na may mga manood pa sa ibang pangkat ng baitang 9,ay gumawa muna kami ng tula para sa buwan ng Pebrero. 




   Kung nais niyong puntahan ang mga kabanata sa Noli me tangere narito ang website:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Talaan_ng_mga_kabanata_sa_Noli_me_Tangere

         

Sabado, Marso 7, 2015

PANG-APAT NA LINGGO



          Sa linggong ito,nagkaroon kami ng gawain na tinatawag na"characters parade".Ang bawat isa sa aming grupo ay may karakter na dapat ireprisenta sa harap.Nagawa namin ng mayos ang aming presentasyon at may mga napili si Gng.Mixto
na mga karakter na nagpakita ng angking talento sa pag-arte.


           Pagkatapos ng aming gawain,kinabukasan ay nag-umpisa na kami sa pag-uulat ukol sa Noli Me Tangere.At dahil nga kami ang pangkat 1,kami ang unang mag-uulat sa mga pangyayari tungkol kay Crisostomo Ibarra at sa mga karakter sa lob ng Noli me tangere.Kailangan naming magkaroon ng malikhaing pag-uulat ayon kay Gng.Mixto.At ang mga kabanatang naiaatas sa amin ay kabanata 1,2,3,4,7,10.
iba-iba ang presentasyong aming ginawa.Mayroong flow chart,pasalaysay,mayroon ding gumamit ng larawan at iba pa.
Mayos naming nataapos ang aming pag-uulat.Ang laman ng aming pag-uulat ay tungkol sa pagbalik ni Crisostomo Ibarra.Nagkaroon sila ng pagsasalo-salo na hinanda naman ni Kapitan Tiyago.At nalaman din ni Crisostomo ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang ama.Naipakita rin dito ang pag-iibigan nila Maria Clara at Crisostomo.

   Malikhang pag-uulat di ang naisagawa ng pangkat 2.Naiulat din nila ng maayos ang mga pangyayaring naganap tungkol kay Ibarra,Maria at kasama na rin ang mga pari ng San Diego atang rebeldeng kaibigan ni Ibarra,si Elias.

   Iyan lamang ang mga nagawa naming ngayong lingGo at asahan kong marami pa kaming matutuklasan tungkol sa Noli me tangere na ginawa ni Josa Rizal sa susunod na linggo sapagkat hindi natapos ang aming pag-uulat.

Linggo, Pebrero 15, 2015

PANGATLONG LINGGO NG IKAPAT NA MARKAHAN.


  ANG MGA TAUHAN

    Sa linggong ito ang aming guro na si Gng.Mixto ay mawawala ng dalawang araw dahil sa gawain sa labas nang paaralan.Si Ginoong Mito ang  pansamantalang magtuturo sa amin.

   Ang mga tauhan sa Noli me tangere ang aming tinalakay at ang kanilang mga katangian halimbawa:

 Crisostomo Ibarra-pangunahing tauhan ,nag aral sa Europa at kasintahan ni Maria Clara.
 Maria Clara-mahinhin at mayuming babae na kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
 Elias-matalik na kaibigan ni Crisostomo at tagaprotekta rito.
Don Rafael Ibarra-tinuturing na erehe at ama ni Crisostomo
 Kapitan Tiyago- ama-amahin ni Maria at sunod-sunoran sa mga kura.
 Padre Damaso-pransiskanong prayle na nanilbihan sa San Diego.
    Si Crisostomo ay may pangarap na makapagpatayo ng paaralan upang makatulong sa bayan.Ngunit si Padre Damaso ay hadlang dito sapagkat malalaman ng mga Pilipino ang mga ginagawa ng mga Espanyol sa kanila.

  Nagkaroon rin kami ng pagsusulit ukol dito.Nang si Gng. Mixto ay nagbalik ay tinalakay at binalikan naming muli ang mga ito.

    

     
      Maraming Salamat sa pagbabasa ^_^

PANGALAWANG LINGGO

     PAGKILALA SA NOLI ME TANGERE

         Para sa pangalawang linggo sa ikaapat na markhan tinalakay namin angtungkol sa Espanya.Si Gng.Mixto ay nagbigay ng parirala at pag-iisipan namin ang kaugnay nito sa pagsulat ng Noli Me Tangere.
        Katulad na lamng ng paglubog ng Galleon Trade,paglaya ng kolonya ng Espanya at di matatag na pamamahala.Kami ay nadallian sa iba samantalng ang iba a mahirap iugnay sa Noli Me Tangere.Subalit asagutan namin ito ng maayos sa aming kwaderno at natalakay ukol dito.
        Kasama sa mga tinalakay namin ang kaligirang pangkasaysayan ng nobelang ito.Nagsimula kmi sa manunulat ,si Jose Protacio Y Alonso Mercado Rizal.
        Pati ang mga akdang sinulat ni Rizal.Ang una niyang ginawa ay Aking mga kababata,na kanyang ginawa noong siya ay walong taong gulang pa lamang.Kasunod,Ang gamo-gamo at Ang tsinelas ni Pepe.
        Siya ay nakagawa ng kamanghang-manghang akda ng siya ay bata pa lamang.Ito ay mula sa kanyang mga karnasa ng siya ay bata.At ang nobelang Noli me tangere at El filibusterismo na bumuhay sa nga kamalayan ng bawat Pilipino.
      Nagkaroon din kami ng debate ukol sa paggamit ni Jose Rizal ng kanyang panulat sa paglaban ng mga kastila.Napunta sa aming panig ang di dapat at kailangan naming iton pangatwiranan ng mahusay.
      Naisagawa ng maayos ng mahkabilang panig ang debate at kami ay nkalamang ng isang puntos.Subalit hanggng sa huli si Jose Rizal pa rin ang ating bayani.

Linggo, Enero 18, 2015

UNANG LINNGO NG IKAAPAT NA MARKAHAN



     
     Ngayong linggong ito,kakatapos lang nang aming pagsusulit.
Iwinasto namin ang mga papel na pinatinggan sa amin.Nakapasa ako sa ilang mga asignatura kasama na ang assignaturang Filipino,subalit sa ibang mahihirap ay hindi ko naabot ang pasadong iskor.Sa natitirang tatlong araw ay iyon lamang ang aming ginawa kasama na rito ang iba pang asignatura.Binigyan kami ng aming guro na si Gng. Mixto ng kaunting kaalaman tungkol sa "Noli Me Tangere".Sapagkat ito ang aming tatalakayin ngayong markahan.
   
      Ang "Noli Me Tangere" o "Huwag Mo Akong Salingin" sa wikang Filipino ay sinulat ni Jose P. Rizal.Ito ay isang panlipunan na latlahalain kung saan sinulat ito sa panahong ng mga espanyol.Ang mga kilala kong mga tauhan rito ay sina Maria Clara,Crisostomo Ibarra,Sisa at mayroon pang mga ibang tauhan dito.Isa itong uri ng klasikal na babasahn sapagkat kapag ito'y hindi naluluma at kapag ito ay iyong nabasa ay maaaring maiugnay sa kasalukuyang panahon.   Ngunit ito pa lamang ang aking kaalaman tungkol dito at alam kong mas madadagdagan pa sa susunod na linggo.