ANG MGA TAUHAN
Sa linggong ito ang aming guro na si Gng.Mixto ay mawawala ng dalawang araw dahil sa gawain sa labas nang paaralan.Si Ginoong Mito ang pansamantalang magtuturo sa amin.
Ang mga tauhan sa Noli me tangere ang aming tinalakay at ang kanilang mga katangian halimbawa:
Crisostomo Ibarra-pangunahing tauhan ,nag aral sa Europa at kasintahan ni Maria Clara.
Maria Clara-mahinhin at mayuming babae na kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
Elias-matalik na kaibigan ni Crisostomo at tagaprotekta rito.
Don Rafael Ibarra-tinuturing na erehe at ama ni Crisostomo
Kapitan Tiyago- ama-amahin ni Maria at sunod-sunoran sa mga kura.
Padre Damaso-pransiskanong prayle na nanilbihan sa San Diego.
Si Crisostomo ay may pangarap na makapagpatayo ng paaralan upang makatulong sa bayan.Ngunit si Padre Damaso ay hadlang dito sapagkat malalaman ng mga Pilipino ang mga ginagawa ng mga Espanyol sa kanila.
Nagkaroon rin kami ng pagsusulit ukol dito.Nang si Gng. Mixto ay nagbalik ay tinalakay at binalikan naming muli ang mga ito.
Maraming Salamat sa pagbabasa ^_^