REPLEKSYON
Ang paghahambing ay ang pagsusuri sa katangian,o kaibahan ng isang bagay ,tao o lugar. Marami akong natutunan ukol dito.Nagagamit natin ito sa araw araw na pamumuhay natin ngunit alam ba natin ang wastong paggamit?
Mayroon itong dalawang katangian,ang magkatulad at di magkatulad.Ang halimbawa ng salitang magkatulad ay gaya,tulad,parehas,magkasing at sing.Ginagamit ito kung mayroong ihahambing na magkatulag ng katangian.Samantalang ang di magkatulad ay mayroong dalawang uri,ang pasahol at palamang.Ang mga salitang ginagamitit sa pasahol ay ang di-gaano,di-gasino at di totoo.At ang palamgn naman ay lalo,labis at di-hamak.Sa paggamit ko ng mga salitang ito kailanganng mag-isip ng may kahusayan sa mga pinag-kaiba at pinagkatulad ng iyong inihahambing.
INDYA
- Ang unang bansang aming tatalakayin sa markahang ito ay ang Indya.Ang Rama at Sita ay isang epiko na nagmula sa Indya.ang nasiyasat ko sa epikong nagmula sa sa indya ay maraming pangayayari ang may kababalaghang nagaganap at kabayanihan.Halimbawa na lamang, ng pagiging higante ni surpanaka at ang pagpaggap ni Maritsa sa isang usa.
- At ang kabayanihang naganap naman ay pagligtas ni Rama kay Sita mula kay Ravayana sa lanka
- Ang pilosopiya sa indya ay pinagpapala ang magaganda,matatalino at kumikilos ayon sa lipunan.Para sa akin,a ng ibig sabihin nito ay laging nananalo ang kabutihan laban sa masasama at mapanglinlang na nilalalang.Pinapakita rin dito sa Rama at Sita na totoo ang kanilang pagmamahalan at walang magpapahiwalay sa kanila sa kjabila ng mga panganib na dulot nito.