Miyerkules, Oktubre 29, 2014
ISANG LINGGONG BAKASYON"
Ang semestral break ay malaking tulong sa mag-aaral dahil pagkatapos ng madugong pagsusulit ay makakamit na namin ang hinahangad naming bakasyon.Kanya kanyang gawain at oras kung paano susulitin ang isang linggong bakasyong ito.Katulad na lamang ng pagbabakasyon sa ibang lugar,Karaniwan, pumupunta sila sa kanilang kamag-anak at doon nag pinapalipas ang kanilang nalalabing araw.Samantalang ang iba namn ay nas kani-kanilang pamamahay.Gumamagawa ng pangkaraniwang gawain sa araw-araw .
Gigising ,kakain ,gagawa ng mga gawaing bahay at kung anu-ano pa,pagkatapos ay kakain ulit at matutulog.gawain ng mga ordinaryong tao sa kanilang ordinaryong buhay.kadalasan naman ay walang kasabikan at kabuluhan ang ginagaw nila.
Samantalang ako ,ang nais ko sa isang linggong bakasyon ito ay naiiba.magkaroon ng kabuluhan,kapanapanabik at mahiwaga.Magandang pakinggan diba, at nakakabuhay ng dugo.
Ito ang ilan kong halimbawa;
Pag akyat sa bundok Makiling at tuklasin ang hiwagang nababalot dito.Paglalakad sa kakahuyan kung saan wala kang kasigyraduhan kung makakalabas kaba sa bundok ng ligtas.
Makaligtas sa malamig na dulot ng hangin sa pamamagitan ng paggawa ng apoy gamit ang kahoy. kapag ikaw ay naggugutom ay ang pagkain mo lamg ay prutas na nasa paligid.At angg pinaka mahalaga ang makita ang tinatagong ganda ng bundok na ito.
O kaya namn sumakay sa kabayo.Ibig kong maging isang cowgirl kahit isang linggo lamang.matutong mangabayo at mag karera sa iba pang kabayo.
Nais kong palipasin ang aking bakasyon sa ganitong bagay.Imbis na manatili sa aming pamamahay at gumawa ng mga ordinaryong gawain.Ganito ang pangarap ko sa isang linggo bakasyon.
Kayo,ano ang pangarap niyong bakasyon sa isang linggong bakasyong ito ?
Biyernes, Oktubre 24, 2014
ANAPORA
- Si marlon ay kasali sa sampung mahuhusay sa aming klase sapagkat siya ay masipag.
Si Albert ay masiyahing tao subalit siya rin ay may mga suliranin sa kabila ng kanyang nakangiting mukha.
KATAPORA
Ginagawa niya ang mga nakaatas sa kanyang mga gawain kaya naman si Antonette ay nararapat sa kanyang posisyon bilang isang sekretarya ng aming klase.
Mahusay siya sa larangan ng pagkanta kaya naman si Warren ay dapat sumali sa mga kumpetisyon sa mga mang-aawit
Huwebes, Oktubre 23, 2014
Tanka
Ang tanka ay ibig sabihin ay isang awitin ayon sa kaligirang pankasaysayan ng korea.binubuo ito ng tatlumpung isang pantig.Ang karaniwang tinatalakay dito ay pagibig at kalikasan.
Haiku
Ito ay ang pinaka maikling tula sa korea.naglalaman ng labing pitong pantig.Ang karaniwang tinatalakay dito ay pag ibig at kalikasan.
Ang tanka ay ibig sabihin ay isang awitin ayon sa kaligirang pankasaysayan ng korea.binubuo ito ng tatlumpung isang pantig.Ang karaniwang tinatalakay dito ay pagibig at kalikasan.
Haiku
Ito ay ang pinaka maikling tula sa korea.naglalaman ng labing pitong pantig.Ang karaniwang tinatalakay dito ay pag ibig at kalikasan.
Sa lahat ng anyo ng panitikan ang dula ang nakakapaglarawan ng nakaraan,ngayon at bukas.
ang ani nga ni alejandro,ang daigdig ay parang isang dulaan kung saan ang lahat ng tao ay may kanya kanyang papel na ginagampanan sa ibat ibang buhay na maaaring magwagi o dumanas ng kabiguan
MELODRAMA
Nagtataglay ng malulungkot na pangyayari tulad na lamng ng kabiguan,kumplikadong buhay,kamatayan,paghihiganti at magusot na buhay pag-ibig.
KOMEDYA
Kasiya siya at magaan sa loob ang teme sapagkat laging sumasangayon ito sa bida.tulad na lamang ng mga sitcom.
TRAHEDYA
Palaging malungkot ang pagtatapos nito.karaniwang nasasawi ang bida.
Miyerkules, Oktubre 22, 2014
Ang Hatol ng Kuneho
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya. Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw. “Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay. “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.” Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad. “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!” Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “ Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki. Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki. “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre. “Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre. “Sandali! Sandali!” ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.” “Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.” Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari. “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “ Bakit ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.” “O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki. Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.” Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka. “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.” “Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki. Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho. “Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki. “Ano na naman!” singhal ng tigre. “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.” “Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.” “Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki. “O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre. Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho. Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”, wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “ Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.” Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina
Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay 51% o 2% na mataas kaysa kalalakihan. Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan. Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan. Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na 50 taon. Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan. Nakikita ito sa Taiwan. Ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper. Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa. Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.
Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado. Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay. Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan. Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat. Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila. Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas. Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala. Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon. Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon. At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin. Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan, ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang. Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan. Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon. Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa lipunan. Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito.
Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan. Ito ay matuwid pa rin sa kanila. Marami pa ring dapat magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.
(posted by admin sa Free Papers: Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years Ago) http://women-in-taiwan-essay-htm/oct.1,2013
PAG BIBIGAY KAPANG YARIHAN SA KABABAIHANG PILIPINO SA PAMAMAGITAN NG ESTADISTIKANG KASARIAN
Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
- halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea
Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang dynasty sa Korea.
- Ms.Jhen Pitoy
PAKIKIPAG-UGNAYAN
Wika ang nag uugnay sa bawat tao sa buong mundo.Ang Asya,Europa,Aprika,Austriya, at Antartika ay mga kontinenteng may ibat ibang wikang ginagamit sa bawat bansang kanilang nasasakupan.Samantalang, tayo naman sa Pilipinas na kabilang sa Asya ay may sariling wika rin.Ang Filipino ang ating Pambansang wika.
Ang filipino ang sumasalamin sa kultura ng ating bansa.ito rin ang ating ginagamit sa pakikipag ugnayan sa bawat taong ating nakakasalamuha.sa bawat rehiyon ng bansang pilipinas ay may sariling lenggwahe tulad na lamng ng Bisaya,Bikolano,Kapampangan at iba pa.dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang leggwahe sa Pilipinas,si Manuel L. Quezon ay nagtalga ng isang wikang dapat gamitin,wikang dapat alam ng lahat at ang pinaka importante ay ang isang wikang gagamitin sa pakikipag-ugnayan.Dito na buo ang wikang Filipino.Ito na ang opisyal na wika ng buong Pilipinas.Wikang ginagamit ng mga taong galing sa ibat ibang rehiyon sa pakikipag usap sa iba pang mga rehiyon.Gamit ang wikang Filipino magkakaroon ng kaayusan ang lahat.Lahat ng tao ay maiuugnay gamit ang isang wika lamang
Wika ang nag uugnay sa bawat tao sa buong mundo.Ang Asya,Europa,Aprika,Austriya, at Antartika ay mga kontinenteng may ibat ibang wikang ginagamit sa bawat bansang kanilang nasasakupan.Samantalang, tayo naman sa Pilipinas na kabilang sa Asya ay may sariling wika rin.Ang Filipino ang ating Pambansang wika.
Ang filipino ang sumasalamin sa kultura ng ating bansa.ito rin ang ating ginagamit sa pakikipag ugnayan sa bawat taong ating nakakasalamuha.sa bawat rehiyon ng bansang pilipinas ay may sariling lenggwahe tulad na lamng ng Bisaya,Bikolano,Kapampangan at iba pa.dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang leggwahe sa Pilipinas,si Manuel L. Quezon ay nagtalga ng isang wikang dapat gamitin,wikang dapat alam ng lahat at ang pinaka importante ay ang isang wikang gagamitin sa pakikipag-ugnayan.Dito na buo ang wikang Filipino.Ito na ang opisyal na wika ng buong Pilipinas.Wikang ginagamit ng mga taong galing sa ibat ibang rehiyon sa pakikipag usap sa iba pang mga rehiyon.Gamit ang wikang Filipino magkakaroon ng kaayusan ang lahat.Lahat ng tao ay maiuugnay gamit ang isang wika lamang
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)