Biyernes, Disyembre 5, 2014

   

      Ngayong linggong ito,may panibagong aralin nanaman ang tatalakayin namin.
      Sa panimula ng aming aralin,pinakinggan muna namin ang isang mensahe.Ang mensaheng iyon ay pumapatungkol sa kaniyang mga magulang.Siya ay nagpapasalamat sa labis na pagmamahal na ibinigay nila sa kanya.Buong emosyon siyang nagmensahe ukol dito.Ang kanyang dahilan ay gusto niyang sabihin ang lahat at makapagpasalamat habang nadiyan pa ang kanyang mga magulang.
          Tinalakay namin ito sapagkat ang aming aaralin ngayon at ang Elehiya.Ang elehiya ay isang lirikong patula na naglalaman ng mabugsong damdamin.Ang halimbawa nito ay ang Elehiya sa kamatayan ni kuya.Ito ay galing sa Bhutan na isinalin sa filpino ni Teresa Laximana.Ang emosyon na nandito ay pagdurusa,lungkot, at pagsisisi.Lungkot sapagkat makikita sa bawat linya na nasa tula ang lungkot ng tauhan sa pagkawala ng kanyang kuya.Pagdurusa at pagsisisi sapagkat hindi sila masyadong nagkasama habang nabubuhay pa ang kanyang kuya.Ang mabugsong damdaming ito  ay tama lang sa depenisyon ng elehiya.Tinanong din kami ni Gng. Mixto kung nawalan na ba kami ng minamahal sa buhay.Ang aking sagot naman ay oo sapagkat nawala na ang aking lolo.Labis din akong nagsisisi sapagkat hindi ko siya nakasama ng matagal habang siya ay nabubuhay sa mundo.
      Ang lahat ng ito ay tinalakay namin sa linggong ito.Ssusunod na linggo ay panibagong aralin na naman ang aming tatalakayin at mga gawain.


Nasa baba ang link ng Elehiya  sa kamatayan ni kuya:

     http://www.slideshare.net/daniholic/elehiya-sa-kamatayan-ni-kuya
         

Biyernes, Nobyembre 21, 2014

"PAGHAHAMBING"

 
         REPLEKSYON 

     
      Ang paghahambing ay ang pagsusuri sa katangian,o kaibahan ng isang bagay ,tao o lugar. Marami akong natutunan ukol dito.Nagagamit natin ito sa araw araw na pamumuhay natin ngunit alam ba natin ang wastong paggamit?     
        Mayroon itong dalawang katangian,ang magkatulad at di magkatulad.Ang halimbawa ng salitang magkatulad ay gaya,tulad,parehas,magkasing at sing.Ginagamit ito kung mayroong ihahambing  na magkatulag ng katangian.Samantalang ang di magkatulad ay mayroong dalawang uri,ang pasahol at palamang.Ang mga salitang ginagamitit sa pasahol ay ang di-gaano,di-gasino at di totoo.At ang palamgn naman ay lalo,labis at di-hamak.Sa paggamit ko ng mga salitang ito kailanganng mag-isip ng may kahusayan sa mga pinag-kaiba at pinagkatulad ng iyong inihahambing.
            

Sabado, Nobyembre 8, 2014

Unang aralin sa ikatlong markahan


   INDYA
  •      Ang unang bansang aming tatalakayin sa markahang ito ay ang Indya.Ang Rama at Sita ay isang epiko na nagmula sa Indya.ang nasiyasat ko sa epikong nagmula sa sa indya ay maraming pangayayari ang may kababalaghang nagaganap at kabayanihan.Halimbawa na lamang, ng  pagiging higante ni surpanaka at ang pagpaggap ni Maritsa sa isang usa.
  • At ang kabayanihang naganap naman ay pagligtas ni Rama kay Sita mula kay Ravayana sa lanka
  • Ang pilosopiya sa  indya ay pinagpapala ang magaganda,matatalino at kumikilos ayon sa lipunan.Para sa akin,a ng ibig sabihin nito ay laging nananalo ang kabutihan laban sa masasama at mapanglinlang na nilalalang.Pinapakita rin dito sa Rama at Sita na totoo ang kanilang pagmamahalan at walang magpapahiwalay sa kanila sa kjabila ng mga panganib na dulot nito.


Sabado, Nobyembre 1, 2014

    PABULA   


 
            Ang pabula ang karaniwang binabasa ng mga bata.Nakakakuha rin sila rito ng mga aral na dapat isabuhay.Marami akong natutunan ukol dito,gaya na lamang ng paggawa ng maayos na pabula .Kailangan pumili ng magandang aral ang nilalaman nito.Pangalawa,ang mga gumaganap na tauhan ay mga hayop.Pangatlo,maayos ang pagkakabanghay nito.Pang lima,may suliraning dapat lutasin at pang anim ay kasiya siyang basahin ng mga bata.




         



                         HAIKU AT TANKA

        Natutunan ko sa mga tulang ito na galing sa bansang Hapon,ay kung paano gumawa ng mga tulang ito.
Kailangan na ang tultng tanka ay may tatlumpung pantig at naglalaman ng limang taludtod.Samantalangang haiku naman ay naglalaman ng labing pitong pantig at tatlong taludtod.Nararapat din na ang tinatalakay sa tulang tanka ayay tungkil sa pag-ibig at kalikasan.Samantalang sa haiku naman ay pumamatungkolsa kalikasan.


                                          EDITORYAL

      Natutunan ko sa paggawa ng editoryal ay nararapat na ikaw ay may pinapanigan.kung sumasang ayon ka man o hindi,dapat lamang na ang nilalaman ng iyong ginawang sanaysay ay may pangangatwiran obatayan upang mapatunayan ang iyong nais panigan.




             

                        SANAYSAY

  Ang natutunan ko sa sanaysay ay ang mga iba tbang uri at katangian,at ang paggawa nito.Ang paggawa ng sanaysay ay ang pagpapahayag ng iyong opinyon o kuro kuro hinggil sa isang bagay.May roon itong dalawang katangian .Ang pormal at di-pormal.Ang pormal ay tinatalakay ang mga seryosong bagay katulad na lamng ng kamatayan ,talambuhay,paghihiganti o isyu .Samantalng ang di-pormal naman ay mga bagay na ginagawa sa pang-araw-araw na buhay

Miyerkules, Oktubre 29, 2014

ISANG LINGGONG BAKASYON"

           

        Ang semestral break ay malaking tulong sa mag-aaral dahil pagkatapos ng madugong pagsusulit ay    makakamit na namin ang hinahangad naming bakasyon.Kanya kanyang gawain at oras kung paano susulitin ang isang linggong bakasyong ito.Katulad na lamang ng pagbabakasyon sa ibang lugar,Karaniwan, pumupunta sila sa kanilang kamag-anak at doon nag pinapalipas ang kanilang nalalabing araw.Samantalang ang iba namn ay nas kani-kanilang pamamahay.Gumamagawa ng  pangkaraniwang gawain sa araw-araw .

     Gigising ,kakain ,gagawa ng mga gawaing bahay at kung anu-ano pa,pagkatapos ay  kakain ulit at matutulog.gawain ng mga ordinaryong tao sa kanilang ordinaryong buhay.kadalasan naman ay walang kasabikan at kabuluhan ang ginagaw nila.

     Samantalang ako ,ang nais ko sa isang linggong bakasyon ito ay naiiba.magkaroon ng kabuluhan,kapanapanabik at mahiwaga.Magandang pakinggan diba, at nakakabuhay ng dugo.
 Ito ang ilan kong halimbawa;

     Pag akyat sa bundok Makiling at tuklasin ang hiwagang nababalot dito.Paglalakad sa kakahuyan kung saan wala kang kasigyraduhan kung makakalabas kaba sa bundok ng ligtas.
   Makaligtas sa malamig na dulot ng hangin sa pamamagitan ng paggawa ng apoy gamit ang kahoy. kapag ikaw ay naggugutom ay ang pagkain mo lamg ay prutas na nasa paligid.At angg pinaka mahalaga ang makita ang tinatagong ganda ng bundok na ito.

    O kaya namn sumakay sa kabayo.Ibig kong maging isang cowgirl kahit isang linggo lamang.matutong mangabayo at mag karera sa iba pang kabayo.

    Nais  kong palipasin  ang aking bakasyon sa ganitong bagay.Imbis na manatili sa aming pamamahay at gumawa ng mga ordinaryong gawain.Ganito ang pangarap ko sa isang linggo bakasyon.

   Kayo,ano ang pangarap niyong bakasyon sa isang linggong bakasyong ito ?
  


   

Biyernes, Oktubre 24, 2014

 ANAPORA


  •  Si marlon ay kasali sa sampung mahuhusay sa aming  klase sapagkat siya ay masipag.


       Si Albert ay masiyahing tao subalit siya rin ay may mga suliranin sa kabila ng kanyang nakangiting mukha.
 
 KATAPORA
     
     Ginagawa niya ang mga nakaatas sa kanyang mga gawain kaya naman si Antonette ay nararapat sa kanyang posisyon bilang isang sekretarya ng aming klase.

       Mahusay siya sa larangan ng pagkanta kaya naman si Warren ay dapat sumali sa mga kumpetisyon sa mga mang-aawit

Huwebes, Oktubre 23, 2014

  Tanka
     Ang tanka ay ibig sabihin ay isang awitin ayon sa kaligirang pankasaysayan ng korea.binubuo ito ng tatlumpung isang pantig.Ang karaniwang tinatalakay dito ay pagibig at kalikasan.

Haiku
 Ito ay ang pinaka maikling tula sa korea.naglalaman ng labing pitong pantig.Ang  karaniwang tinatalakay dito ay pag ibig at kalikasan.
 

      Sa lahat ng anyo ng panitikan ang dula ang nakakapaglarawan ng nakaraan,ngayon at bukas.
 ang ani nga ni alejandro,ang daigdig ay parang isang dulaan kung saan ang lahat ng tao ay may kanya kanyang papel na ginagampanan sa ibat ibang buhay na maaaring magwagi o dumanas ng kabiguan


MELODRAMA

  Nagtataglay ng malulungkot na pangyayari tulad na lamng ng kabiguan,kumplikadong buhay,kamatayan,paghihiganti at magusot na buhay pag-ibig.

KOMEDYA
 
    Kasiya siya at magaan sa loob ang teme sapagkat laging sumasangayon ito sa bida.tulad na lamang ng mga sitcom.

TRAHEDYA

  Palaging malungkot ang pagtatapos nito.karaniwang nasasawi ang bida.

Miyerkules, Oktubre 22, 2014

   Ang Hatol ng Kuneho 
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa gubat. Sa kaniyang paglilibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay.  Paulit-ulit na  sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang nakarinig sa kanya.   Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at hapong-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kaniyang kamatayan. Walang ano-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad tumayo.“Tulong! Tulong!” muli niyang isinigaw.   “Ah! isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa  hukay.   “Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,”  pagmamakaawa ng tigre. “Kung tutulungan mo ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”   Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay”, wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.   “Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,”  pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako ko hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na loob!”   Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng  troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “ Gumapang ka dito,” sabi ng lalaki.   Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya.  Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.   “Sandali!” Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.   “Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng tigre.   “Sandali! Sandali!” ang  pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”   “Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”   Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.   “Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “ Bakit  ang mga dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong mga pagkain? Mga taon ang binibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo. Ginagamit ninyo kami sa pagpapatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng butas  na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang magdalawang  isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.” “O, anong masasabi mo doon?” tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.   Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka. “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka sa kaniyang hatol.”   Sumang-ayon ang tigre at ipinaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.   “Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,”  wika ng baka sa tigre. “Dapat mo siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na... pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung ano-anong bagay. Kaya huwag mo na akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”   “Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.   Alam na ng lalaki na ito na nga ang kaniyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.   “Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.   “Ano na naman!” singhal ng tigre.   “Pakiusap, bigyan mo pa ako ng huling pagkakataon.Tanungin natin ang kuneho para sa kaniyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”   “Ah! Walang kuwenta! Alam mong ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”   “Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.   “O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.   Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari. Matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kaniyang mga mata at pinagalaw ang kaniyang mahahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kaniyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang inyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay  ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.   Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay nakatayo dito sa itaas”,  wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “ Pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.” Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na niya ang tao. “Ah! ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong magbigay ng aking hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay”, paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao  sa kaniyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa!” wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kaniyang paglukso.  
Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong Nakaraang 50 Taon 
Isinalin sa Filipino ni Sheila C. Molina  

Ang bilang ng populasyon ng  kababaihan sa mundo ay 51%  o  2% na mataas kaysa kalalakihan.  Maaaring isipin ng ilan na ang kababaihan ay nakakukuha ng parehong pagkakataon at karapatan gaya ng kalalakihan.  Ilang kababaihan lamang sa buong mundo ang nakakakuha ng pantay na karapatan at paggalang tulad sa kalalakihan.  Ang tungkulin at kalagayan ng kababaihan ay unti- unting nagbabago sa nakalipas na  50 taon.  Ito ay makikita sa dalawang kalagayan : una ang pagpapalit ng gampanin ng kababaihan at ang ikalawa ay ang pag-unlad ng kanilang karapatan at kalagayan.  Nakikita ito sa Taiwan.  Ang unang kalagayan  noong nakalipas na 50 taon, ang babae sa Taiwan ay katulad sa kasambahay o housekeeper.  Ang tanging tungkulin nila ay tapusin ang hindi mahahalagang gawaing-bahay na hindi natapos ng kanilang asawa.  Ang mga babae ay walang karapatang magdesisyon dahil sa kanilang mababang kalagayan sa tahanan.   

 Ngayon, nabago na ang tungkulin ng mga babae at ito ay lalong naging komplikado.  Sa bahay ng mga Taiwanese, sila pa rin ang may pananagutan sa mga gawaing-bahay.  Ngunit sa larangan ng trabaho, inaasahang magagawa nila kung ano ang nagagawa ng kalalakihan.  Sa madaling salita, dalawang mabibigat na tungkulin ang nakaatang sa kanilang balikat.   Ang ikalawang kalagayan ay pinatutunayan ng pagtaas ng kanilang sahod, pagkakataong makapag-aral, at mga batas na nangangalaga sa kanila.  Karamihan sa mga kompanya ay nagbibigay ng halaga sa kakayahan ng  babae at ang mga kinauukulan ay handang kumuha ng mga babaeng may kakayahan at masuwelduhan ng mataas.  Tumataas ang pagkakataon na umangat ang babae sa isang kumpanya at nakikita na ring may mga babaing namamahala.  Isa pa, tumaas ang pagkakataon para sa mga babae pagdating sa edukasyon.  Ayon sa isang estadistika mula sa gobyerno, higit na mataas ang bilang ng mga babaing nag-aaral sa kolehiyo kung ihahambing sa kalalakihan makalipas ang 50 taon.    At ang huling kalagayan ay ang pagbabago ng mga batas para sa pangangalaga sa kababaihan ay nakikita na rin.  Halimbawa, sa Accton Inc., isa sa nangungunang networking hardware manufacturer sa Taiwan,  ginawa nang isang taon ang maternity leave sa halip na 3 buwan lamang.  Ang gobyerno ng Taiwan ay gumagawa na ng batas sa pagkakaroon ng pantay na karapatan upang higit nilang mapangalagaan ang kababaihan.   Bilang pagwawakas, naiiba na ang gampanin ng mga babae at higit itong mapanghamon kung ihahambing noon.  Ang kanilang karapatan at kahalagahan ay binibigyan na ng pansin.  Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga babae ay tumatanggap na ng pantay na posisyon at pangangalaga sa  lipunan.  Mayroon pa ring mga kompanya na hindi makatarungan ang pagtrato sa mga babaing lider nito. 

Marami pa ring kalalakihan ang nagbibigay ng mabigat na tungkulin sa kanilang asawa sa tahanan.   Ito ay matuwid pa rin sa kanila.  Marami pa ring dapat  magbago sa kalagayan ng kababaihan sa Taiwan at malaki ang aking pag-asa na makita ang ganap at pantay na karapatan nila sa lipunan.    


(posted by admin sa Free Papers:  Free Essay on Women in Taiwan: Now & Fifty Years Ago)  http://women-in-taiwan-essay-htm/oct.1,2013   

PAG BIBIGAY KAPANG YARIHAN SA KABABAIHANG PILIPINO SA PAMAMAGITAN NG ESTADISTIKANG KASARIAN





Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan.  Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili.  Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang  kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan.  Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay katuwang sa pamumuhay.  Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”.  Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan.  Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba.  Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.  Layunin nilang mabigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan. 

 - halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino ) ni Lolita M. Andrada
Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea  

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga ito ay may simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan . Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos na si Hwanin ( diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni Hwanin ay magkulong sa kuweba ang dalawa sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdob na pagnanasang maging tao ay sumunod sa ipinag-uutos ang dalawa. Pagkalipas lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre subalit nanatili sa loob ng kuweba ang oso. Pagkalipas ng 100  araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas ng kuweba. Ang babae ay natuwa sa kaniyang itsura at kinausap muli si Hwanin . Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling na sana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung ( anak ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay naging hari. Pinaniniwalaang dito nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang  iba’t ibang dynasty  sa Korea. 
              - Ms.Jhen Pitoy

                                           PAKIKIPAG-UGNAYAN


                                     Wika ang nag uugnay sa bawat tao sa buong mundo.Ang      Asya,Europa,Aprika,Austriya, at Antartika ay mga kontinenteng may ibat ibang wikang ginagamit sa bawat bansang kanilang nasasakupan.Samantalang, tayo naman sa Pilipinas na kabilang sa Asya ay may sariling wika rin.Ang Filipino ang ating Pambansang wika.
                                   Ang filipino ang sumasalamin sa kultura ng ating bansa.ito rin ang ating ginagamit sa pakikipag ugnayan sa bawat taong ating nakakasalamuha.sa bawat rehiyon ng bansang pilipinas ay may sariling lenggwahe tulad na lamng ng Bisaya,Bikolano,Kapampangan at iba pa.dahil sa pagkakaroon ng ibat ibang leggwahe sa Pilipinas,si Manuel L. Quezon ay nagtalga ng isang wikang dapat gamitin,wikang dapat alam ng lahat at ang pinaka importante ay ang isang  wikang gagamitin sa pakikipag-ugnayan.Dito na buo ang wikang Filipino.Ito na ang opisyal na wika ng buong Pilipinas.Wikang ginagamit ng mga taong galing sa ibat ibang rehiyon sa pakikipag usap sa iba pang mga rehiyon.Gamit ang wikang Filipino magkakaroon ng kaayusan ang lahat.Lahat ng tao ay maiuugnay gamit ang isang wika lamang


                              

Sabado, Setyembre 27, 2014

                              Ang paborito kong guro


             Marami na rin ang mga gurong dumaan sa akin.Mula elementarya hanggang pagtuntong ko ng baitang siyam ay siya lamang ang natatangi.Paglapit pa lamang niya ng silid aralan ay dumadaan ang katahimikan sa buong klase.Mahusay sa pagtuturong agham.Nasisiguro niya rin na ang lahat ng kanyang estudyante ay nakasusunod sa paraan ng kanyang pagtuturo.Pinag sasalita niya ang mga tahimik sa klase at lalong hinuhubog ang mga subok na.Iyan ang aking paboritong guro na si Ginoong Fernando Timbal.Nagustuhan ko ang kanyang pagiging strikto at masungit na awra na pumapalibot sa kanya.Dahil sa kanyang kasungitan,walang nagtatangkang makipag lapit sa kanya.Kaya naman walang paborito sa amin.Gayunpaman hindi nawala ang tawan at biruan sa aming klase.Mayrooon kaming oras sa mga seryosong bagay at mayroon naman sa mga pampalipas oras lamang.at ang pinakagusto kong katangian sa lahat ay ang walang humpay suporta galing sa kanya.Kahit ano mang gawain ang salihan namin ay nariyan siya upang suportahan kami.Bagaman siya ay aming nasaktan ,gumagawa kami ng paraan upang ang aming pangkat ay magkasundo pati na rin siya.
       Ang siyam na buwan ay mabilis na panahon para sa akin.Ngunit na ako ay tumuntong sa baitang walo ay naging matagal sa sobrang daming nangyari.Masaya man o malungkot ang aming napagdaanan nagsilbi itong inspirasyon sa akin at aral.At ang isa sa mga ito ay ang pagiging estudyante ng aking guro na si ginoong Fernando Timbal.Maligayang araw ng mag guro po sa inyo.                            A

Biyernes, Agosto 1, 2014

 Transitional Devices 

    Ang transitional devices ay nakatutulong sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
Pangunahin na dito ang kwentong makabanghay.
   

Huwebes, Hulyo 31, 2014

   

    Transitional  Devices


   Ang transitional device ay ginagamit at nakatutulong sa pagkakasunod sunod ng pangyayari sa isang kwento,nangunguna na dito ang kwentong makabanghay.Ngunit hindi lamang ito ginagamit sa kwentong makabanghay ,ginagamit din ito sa iba pang uri ng kwento katulad na lamang ng maikling kwento,kwentong pag ibig at iba pa.

Linggo, Hulyo 27, 2014

                                                  ANG AMA
                                                          salin ni Mauro R. Avena


Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama - malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain , sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. 

Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya't mahihiya itong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tunatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot ng pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. 

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahaabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya't madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla, at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer. 

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit;. Nagtaka ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, 'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya sa pangdidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kaya't nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng kanyang kwarto. 

Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. "Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang kambal at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa baha, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. 
Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasan.